Ito ayon kay Castro ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng constitutional crisis bansa.
Nauna ng sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi nila susundin kung sakaling atasan sila ng korte para magsagawa ng joint session
Nagbabala pa nga ang pinuno ng kamara ng pagkakaroon ng constitutional crisis bukod pa sa bubunitin nito ang kautusan ng Supreme Court.
Iginiit ni Castro na nagpasya na ang Kamara at Senado na huwag magdaos ng joint session kaya dapat itong irespeto ng SC bilang co-equal branch nila at maiwasan ang banggaan ng dalawang sangay ng gobyerno.
Dagdag ng mambabatas, kahit pa igiit ang joint session kapwa aprubado naman ng dalawang kapulungan na hindi na magdaos nito kaya balewala pa rin ang kautusan ng korte.