Golden State Warriors, kampeon sa NBA finals

Nabawi ng Golden State Warriors ang kampeonato mula sa Cleveland Cavaliers sa NBA finals.

Ito ay matapos na talunin ng Warriors ang Cavaliers sa score na 129-120 sa game 5.

Magugunitang nagawa pang makapanalo sa ng Cavaliers noong game 4 mula sa 3-0 na kartada ng Warriors, dahilan para magkaroon pa ng game 5 ngayong araw.

Gayunman, determinado ang Golden State na tapusin ang laban at ibulsa ang kampeonato.

Umiskor si Kevint Durant ng 39 points at 34 points naman ang naiambag ni Stephen Curry.

Taong 2015 nang huling mag-champion sa NBA ang Warriors habang ang Cavaliers naman ang champion noong 2016.

 

 

Read more...