‘Hindi magwawagi ang kasamaan kailanman’ -Mayor Gandamra

 

Hindi napigilan ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra na maging emosyonal sa pagharap niya sa mga residente ng kaniyang lungsod sa flag-raising ceremony kahapon sa City Hall para sa ika-119 na pagdiriwang ng Independence Day.

Naluha si Gandamra dahil sa pagkawasak ng Marawi City at sa hirap na dinaranas ng kanilang mga mamamayan dahil sa gulo.

Sa kabila ng hirap, hinimok ni Gandamra ang mga residente na huwag matakot sa mga teroristang Maute at Abu Sayyaf Group, dahil sinabi ni Allah na hindi kailanman magwawagi ang kasamaan.

Nagdurusa aniya ngayon ang Marawi dahil sa mga taong nag-iisip na sila ang mas magagaling sa lahat ng aspeto, ngunit ang totoo ay sadyang masasamang tao lang sila.

Umapela si Gandamra sa mga Maranao na maging matatag at magkaisa sa paglaban sa terorismo dahil mas makakayanan nilang lampasan ang krisis kung sila ay magkakasama.

Ipinangako rin ni Gandamra na handa siyang ibuwis ang kaniyang buhay para lang mapanagot ang mga nasa likod ng mga pag-atake sa Marawi.

Read more...