Mga Pilipino, hinimok ni Duterte na protektahan ang soberenya ng bansa

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng Pilipino na panatilihin at protektahan ang soberenya ng Pilipinas.

Ngayong pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas, binigyang pugay ni Pangulong Duterte ang mga mandirigmang nagbuwis ng buhay laban sa mga Kastila ilang siglo na ang nakalilipas upang makamit ang kalayaan ng bansa.

Sa kaniyang mensahe ngayong Independence Day, sinabi ni Duterte na dapat gawing inspirasyon ang mga ninuno na inalay ang kanilang buhay para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Aniya pa, isa sa mga tungkulin ng mga mamamayan na tiyaking makamit ng Pilipinas ang pagiging “great and prosperous nation.”

Inalala rin ni Duterte ang mga dugo’t pawis na isinakripisyo noon ng mga mandirigma para ipakita ang pagmamahal sa bayan.

Sa mismong araw aniya kung kailan nakamit ng Pilipinas ang kalayaan, doon nakita ng buong mundo kung sino talaga ang mga Pilipino.

Read more...