LRT at MRT, may libreng sakay ngayong Independence Day

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 119th Independence Day, magbibigay ng libreng sakay ang Lines 1 at 2 ng Light Trail Transit (LRT), pati na an Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ngayong araw ng Lunes, June 12.

Ayon sa kani-kanilang magkakahiwalay na abiso, magsisimula ang libreng sakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ng alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Makakamit ng mga pasahero ang libreng sakay sa lahat ng istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Read more...