Umano’y special attention ni Sec. De Lima sa reklamo laban sa INC, binatikos

Leila-de-LimaBinatikos ng Iglesia ni Cristo si Justice Secretary Leila de Lima sa pagbibigay umano ng espesyal na atensyon sa itiniwalag na ministro ng Iglesia ni Cristo.

Batay sa statement ni Buenvinido Santiago, General Evangelist ng INC, mismong si De Lima pa umano ang nag-asikaso sa sinampang kaso ng tiwalag nilang ministro na si Isias Samson Jr.

Sinabi pa ni Santiago na hindi nila alam kung ano ang motibo ng kalihim sa pagtulong nito kay Samson.

Mariing itinanggi naman ni Santiago ang paratang ni Samson na wala umanong basehan ang pagtiwalag umano dito at sa iba pang miyembro ng Iglesia.

Ito aniya ay bahagi ng pagdisiplina ng INC dahil sa pagdudulot ng pagkakahiwa-hiwalay sa samahan.

At nakabase umano sa Bibliya ang pagtiwalag nila kay Samson at sa mga kasamahan nito./Jong Manlapaz

Read more...