2,491 nakapasa sa Physician Licensure Examination

prc-logo-philippinesPasado ang 2,491 mula sa 2,921 na kumuha ng physician licensure examinations.

Sa inilabas ng Professional Regulation Commission o PRC, nanguna sa mga nakapasa ang Cebu Institute of Medicine at University of the Philippines-Manila na nakapag tala ng 100 percent passing rate.

Ang ibang eskwelahan naman na pasok din sa top performing schools ay ang Ateneo de Manila University School of Medicine and Public Health (99.13%), West Visayas State University sa La Paz (98.80%), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (98.67%), University of Santo Tomas (98.31%), Saint Luke’s College of Medicine (98.18%), University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (97.78%), Xavier University (96.72%), Saint Louis University (95.16%), at Cebu Doctors University-College of Medicine (94.03%).

Si Andrew Tiu ng Cebu Institute of Medicine ang nagkamit ng pinakamataas na grado na may 90.67 percent. / Jen Pastrana

 

Para sa kumpletong listahan, narito ang link:

https://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/PHYS0815se.pdf

Read more...