Hindi sumang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan ng ilang mga alkalde ng Lanao del Sur na hayaan ang mga sibilyan sa kanilang mga lugar na magbitbit ng kanilang sariling mga armas.
Sa pakikipagpulong kasi sa mga militar, umapela ang mga alkalde na payagan ang hanggang sa 30 na sibilyan sa bawat bayan na magbitbit ng militar at tumulong sa mga pulis at sundalo sa paglaban kontra terorismo.
Katwiran ni Butig Mayor Dimnatang Pansar, dapat ang mga mamamayan rin ang manguna sa pagprotekta sa kanilang mga komunidad laban sa mga terorista at kriminal.
Gayunman, iginiit ng pangulo na mas lalong gugulo ang sitwasyon kung papayagan niya ito.
Sa halip aniya na makatulong, baka lalo pang maging komplikado ang sitwasyon dahil lalo pang magiging target ng mga miyembro ng Maute Group ang mga sibilyan na may armas.
Dahil dito, sinabi ng pangulo na sa ngayon ay hindi muna niya maikokonsidera ang naturang panukala.