Pagbasura sa Kentex fire case laban kay Gatchalian, pinagtibay ng Sandiganbayan

INQUIRER file photo

Pinagtibay na ng Sandiganbayan ang desisyon nitong ibasura ang mga kasong graft at reckless imprudence laban kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at dalawang iba pa kaugnay ng trahedya sa Kentex factory na nasunog noong 2015.

Sa resolusyong inilabas ng kanilang Second Division, tinanggihan nila ang apela ng Office of the Ombudsman na kumokontra sa desisyon ng Sandiganbayan na walang sapat na dahilan para hatulan si Gatchalian.

Cleared na rin sina Renchi May Padayao na Officer-in-Charge ng Business Permits and Licensing Office, at Lincesing Officer Eduardo Carreon.

Iginiit din ng korte na inulit laman ng prosekusyon ang kanilang mga argumento sa kanilang motion for reconsideration.

Nanindigan ang Sandiganbayan na walang kasalanan ang mga opisyal ng lungsod sa paglalabas ng business permits sa Kentex Manufacturing Corp. nang hindi nangangailangan ng fire safety inspection certificate.

Ayon pa sa resolusyon, ang mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang responsable sa pagpapatupad ng mga probisyon sa Fire Code.

Kung hindi rin naman kasi anila pinalagan ng BFP ang pagbibigay ng permit sa pabrika, walang dahilan ang munisipyo para kanselahin ito.

Read more...