Matatandaang matapos putulin ng ilang bansa ang kanilang diplomatic ties nila sa Qatar, nabawasan ng mga supplier ng pagkain ang naturang Arab nation.
Sa ngayon ay ang Iran at Turkey ang nakakausap ng Qatar para mag-supply sa kanila ng pagkain at tubig matapos silang talikuran ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt at Bahrain.
Ayon kay Ali Hemmati na isang opisyal sa Iran, target nilang magdala ng 100 tonelada ng prutas at gulay patungong Qatar araw-araw.
Una nang itinanggi ng Qatar ang mga alegasyon na sinusuportahan umano nila ang terorismo kaya sila tinalikuran ng mga Gulf Arab nations, at iginiit na wala itong basehan.