Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang posibleng gastroenteritis at cholera outbreaks sa libu-libong residente ng Marawi City sa mga evacuation center.
2 sa 10 sa mga sinuring evacuees ang lumabas na may cholera, isang diarrheal infection sanhi ng pagkain at pag-inom ng tubig na kontaminado ng Vibrio cholerae bacterium.
Samantala, lima hanggang anim na kaso naman ng gastroenteritis ang naitatala sa mga evacuation center at ospital araw-araw.
Ayon kay Secretary Paulyn Ubial, sinimula na ng ahensya ang pagtala ng mga kaso.
Dagdag pa nito, mas mababa pa sa 200 kaso ang nagpositibo sa diarrheal diseases mula sa 200,000 evacuees.
Kontrolado din aniya ang sitwasyon sa ngayon at siniguro ang “zero open defacation” sa mga evacuation center.
Hinihikayat rin aniya ang mga sibilyan na mag-disinfect upang maiwasan ang magkalat ng sakit.
Samantala, mayroong 40 evacuation center na itinayo sa Iligan City at mga probinsya ng Lanao del Sur, Lanao del Norte at Bukidnon.