NCRPO, iniimbestigahan ang koneksyon ng Resorts World gunman sa 2 lalaking napatay sa Paco, Maynila

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang posibleng koneksyon ng gunman sa Resorts World Manila attack na si Jessie Carlos, sa dalawang lalaki na napatay sa Paco, Maynila noong nakaraang June 1.

Ayon kay NCRPO chief Oscar Albayalde, nakatanggap sila ng ulat na kakilala ni Carlos ang dalawang lalaki na napatay na sina Elmer Mitra Jr. at Alvin Cruzin.

Bineperipika aniya nila ang impormasyon na nakita na magkakasama sina Carlos, Mitra at Cruzin noong gabi bago maganap ang pag-atake sa Resorts World na ikinasawi ng 38 katao.

Ayon kay Albayalde, malaki ang posibilidad na magkakasama ang tatlo bago mangyari ang insidente sa Resorts World.

Hinihintay na lang aniya nila ang CCTV footage na ibibigay ng hotel-casino noong gabi, bago maganap ang pag-atake.

Nabatid na binaril sa loob ng isang sasakyan sina Mitra at Cruzin.

Ayon pa kay Albayalde, narekober sa crime scence ang isang 9mm pistol.

Read more...