Eroplano ng EasyJet Airlines, na-divert sa Cologne Airport dahil sa “suspicious conversation”

AFP PHOTO

Isang eroplano ng EasyJet Airlines na patungong London ang na-divert sa Cologne-Bonn Airport sa Germany dahil sa kahina-hinalang usapan na narinig ng mga pasahero.

Ayon sa pulisya, nagdesisyon ang piloto ng eroplano na lumapag sa Cologne Airport matapos ipagbigay-alam ng mga pasahero sa flight attendants ang kanilang narinig na pag-uusap ng mga lalaki ukol sa terorismo.

Matapos na ligtas na makalapag ang eroplano, agad na pinababa ang 151 na pasahero gamit ang emergency slides.

Hiniwalay naman ang backpack na pag-aari ng tatlong suspek at agad na sinuri ng bomb squad officers.

Pero walang ibinigay na detalye ang mga otoridad ukol sa nilalaman ng bagahe ng mga suspek at maging sa pinangangambahang banta ng terorista.

Kasunfod nito, inilipat na sa kustodiya ng mga pulis sa Cologne ang tatlong suspek.

Read more...