Ayon kay Ridon, para sa kanya ay pork barrel ang naturang budget ng CHED dahil dito kukunin ang itutustos para sa mga iskolar ng mga kongresista at senador.
Inamin naman ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na maaari pa ring mag-endorso ang mga mambabatas ng kanilang constituents para sa scholarship.
Gayunman, iginiit ni Licuanan na hindi masasabing pork barrel ang pondo, dahil may mahigpit aniyang sistema na ipinatutupad upang matiyak na karapat-dapat na mga estudyante ang mapapasama sa scholarship program.
Ang mga nominado ng mga mambabatas ay hindi rin daw nabibigyan ng fast-track treatment, at sa halip ay dumadaan sa tamang proseso.
Aminado si Licuanan na mas bumaba ang scholarship fund ng CHED sa ilalim ng ‘Tulong Dunong’ program para sa 2016, dahil ang parte nito ay napunta sa budget ng State Universities and Colleges o SUC’s.
Mula aniya sa kasalukuyang 1.4 billion pesos fund ng ‘Tulong-Dunong, bumagsak ang pondo nito sa wala pang isang bilyong piso./ Isa Avendaño-Umali