Ayon kay NCRPO Spokesperson Kim Molitas, mananatiling mataas ang kanilang alerto sa Araw ng Kalayaan bilang bahagi ng paghihigpit ng seguridad.
Ito ay dahil rin inaasahang dadalo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice Pres. Leni Robredo sa selebrasyon sa Rizal Park.
Sinabi din ni Molitas na masusunod ang mga security protocol habang ipinagdiriwang ang Independence Day sa Luneta Park at iba pang events sa Metro Manila bukas.
Mas pinaigting ng pulisya ang seguridad sa Metro Manila kasunod ng pangambang umatake ang mga terorista na naghahasik ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.
READ NEXT
2 Cebu Pacific flight na patungong Maynila, na-divert sa Clark Airport dahil sa sama ng panahon
MOST READ
LATEST STORIES