Sa latest weath advisory ng PAGASA, nakasaad na namataan ang LPA sa layong 370 kilometers west northwest ng Iba, Zambales.
Ayon sa weather bureau, inaasahang magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at thunderstorms sa Bataan, Zambales at Mindoro.
Inaasahan din na magiging tropical depression ang naturang LPA sa labas ng Philippine area of responsibility o PAR.
Samantala, nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan ngayong hapon.
Una nang naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA kung saan nakasaad na maaapektuhan ng pag-ulan ang Metro Manila, Cainta, Taytay, Angono, at Binangonan sa Rizal; Los Baños, Calamba, Liliw at Cabuyao sa Laguna; at Sto. Tomas, Tanauan at Talisay sa Batangas.
Sinabi ng PAGASA na tatagal ang mga pag-ulan ng hanggang dalawang oras.