Palasyo, nakikiramay sa pamilya ng 13 sundalo na napatay sa Marawi clash

Lubos na ikinalungkot ng Malacañang ang pagkamatay ng labintatlong miyembro ng Philippine Marines na nakipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na ang pagkamatay ng sundalo, kahit pa nakakalungkot, tila nagsisilbing motivation ito para tapusin na sa lalong madaling panahon ang kaguluhan sa Marawi.

Nakikiramay aniya ang Palasyo sa mga naiwang pamilya ng mga napaslang na sundalo.

Bukod sa labintatlong napatay, hindi bababa sa limampu ang nasugatan na sundalo sa sagupaan.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na ginagawa nila ng lahat para mabawi na ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

Nanawagan naman si Abella sa publiko na patuloy na magpakita ng suporta sa mga sundalo na ibinubuwis ang kanilang buhay sa pakikipaglaban sa Marawi.

Read more...