Maria Sharapova, laglag na sa Wimbledon dahil sa thigh injury

Umatras na ang tennis superstar na si Maria Sharapova sa Wimbledon Tournament dahil sa kanyang thigh injury.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Sharapova na lumabas sa panibagong scan na hindi pa siya maaaring makapaglaro dahil sa tinamo niyang muscle tear.

Sa ngayon aniya ay magpapatuloy ang kanyang recovery habang hinihintay ang sunod niyang tournament sa Stanford mula sa July 31.

Matatandaang noong nakaraang Abril, nagbalik sa paglalaro ng tennis si Sharapova matapos ang kanyang labinlimang suspensyon dahil sa drugs ban.

Sa kanyang pagbabalik, ilang wildcards ang sinalihan ng Russian tennis superstar sa pag-asang makakapasok sa tournaments dahil nag-expire na ang kanyang world ranking points.

Pero noong nakaraang buwan ay nabigo pa rin si Sharapova na makapasok bilang wildcard entry sa French Open Tennis.

Taong 2012 at 2014 nang magwagi bilang champion sa French Open si Sharapova.

Read more...