Lalaking umiwas sa Oplan Sita, patay matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa Caloocan City

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos umiwas sa ikinasang Oplan Sita sa Phase 8, Bagumbong Rd., Brgy. 176, Caloocan City.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng lalaki na sakay ng motorsiklo na walang plaka, nakasuot ng puting jersey, blue na shorts, at may naka-sukbit na blue na backpack.

Sinasabing hindi tumigil sa checkpoint ang lalaki, dahilan para habulin ng mga pulis.

Pagdating sa madilim na bahagi ng kalsada, dito na umano nagpaputok ang suspek dahilan para gumanti ang mga pulis at napatay ito on-the-spot.

Nakuha sa kamay ng suspek ang isang caliber .38 na revolver, mga sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Nakuha rin sa crime scene ang apat na basyo ng bala.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

Read more...