Kinilala ang mga nasawi na sina Zulkifli Risales Maute, Aliasgar Hadji Sulunan, Salah Gasim Abbas at Allan Capal Sulaiman.
Ayon sa ulat ng pulisya, isang “unidentified Moro armed group” ang bumaril sa convoy ng mga elemento ng RPSB-ARMM at CIDG-PNP na humuli sa apat.
Papuntang Iligan City mula sa Marawi City ang convoy nang tambangan ito.
Sugatan naman ang apat na pulis sa naturang insidente.
Ayon pa rin sa pulisya, ang mga nasawing miyembro ng Dawlah Islamiya ay mahalaga sa ginagawang imbestigasyon sa Maute brothers at magagamit sanang saksi laban sa ama ng Maute Brothers na si Engr. Cayamora Maute at kanilang ina na si Ominta Romato Maute alyas Farhana na nauna nang naaresto.
Ang naturang convoy ay binubuo ng limang mobile police units ng Regional Public Safety Battalion ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kasama ang regional Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Pero sa ngayon ay hindi pa malinaw kung may kaugnayan ang pananambang sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.