Mga naka-duty na security guard ng atakehin ang Resorts World Manila, sinibak ng PNP-SOSIA

Matapos na matuklasan ang maraming kapalpakan sa kanilang operasyon, ipinag-utos na ng PNP-Supervisory Office on Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) ang pagsibak sa mga mga security guard na nakaduty nang atakehin ang Resorts World Manila.

Ang kautusan ay pinirmahan ni PNP Social Chief Supt. Jose Mario Espino, araw ng Biyernes at epektibo hanggang sa bawiin ng kanyang opisina.

Partikular na ipinag-utos na ng PNP-SOSIA ang mga guards ng NC Lanting Security Specialist Inc., sa entrada at exit ng Maxim
Hotel at Newport Mall Manila nang pasukin ito ng suspek na si Jessie Carlos.

Hindi nakitaan ng mga otoridad ang NC Lanting ng tamang security plan alinsunod sa mga inilatag na polisiya ng PNP-SOSIA.

Kabilang sa mga nakita ng PNP-SOSIA sa mga nakuha nilang kopya ng CCTV footage mula sa Resorts World ay ang malinaw na mga security lapses ng mga guards ng NC Lanting kabilang ang kabiguan nitong magpatupad ng buddy system sa mga poste nito.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng PNP-SOSIA na hindi sumailalim sa training sa tamang pagbabantay ng isang mall ang ladyguard na sumalubong sa lone gunman na si Carlos.

Read more...