Horn, inaasahan ni Roach na magbibigay ng magandang laban kay Pacquiao

REUTERS/Lucy Nicholson

Hindi minamaliit ni Coach Freddie Roach ang kakayahan ng Australian boxer na si Jeff Horn na makakarap ni Manny Pacquiao sa July 2.

Ayon kay Roach, ang panalo laban kay Pacquiao ay isang napakalaking tulong sa kanyang career kung kaya hindi nila ito hahayang manalo.

Si Horn ay wala pang talo mula sa kanyang 17 laban kaya kinakailangan nitong mapatunayan na karapat-dapat ito na makalaban si Pacquiao.

Dagdag pa ni Roach, na si Horn ay isang good puncher.

Kaugnay nito, umaasa si Roach ng panibagong knockout mula kay Pacquaiao.

Read more...