Trailer ng pelikulang ‘Black Panther’, inilabas na

Inilabas na ang unang teaser trailer ng pelikulang ‘Black Panther’ ng Marvel.

Muling gaganapan ng aktor na si Chadwick Boseman ang karakter ni T’Challa na mas kilala bilang Black Panther at tagapamahala ng Wakanda, isang fictional at technologically advanced na African kingdom.

Kasama din sa pelikula ang iba pang African-American actors na si na Lupita Nyong’o, Forest Whitaker at Danai Gurira.

Unang lumabas ang katakter ni Boseman sa box-office hit na “Captain America: Civil War” noong 2016.

Ang naturang pelukla ay bahagi ng Marvel Cinematic Universe kung saan si Ryan Coogler ang magsisibing director nito.

Read more...