Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang mga security officials hingil sa nasabing isyu.
Ipinaliwanag ni C/Supt. Reuben Theodore Sindac, pinuno ng Philippine National Police – Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) na nasa pangangalaga nila si Omenta Maute, alyas Farhana at ilan pa sa kanyang kasamahan.
Sila ay naaresto habang papatakas sa kanilang pinagtataguang lugar sa Brgy. Dayawan sa bayan ng Masiu sa Lanao Del Sur.
Nakarekober din sa grupo ang mga otoridad ng ilang matataas na kalibre ng baril, mga bala at ilang piraso ng improvised explosive device (IED).
Kamakailan lang ay naaresto rin ng mga otoridad ang tatay ng Maute brothers na si Cayamora sa isang checkpoint sa Davao City.
Si Cayamora ang sinasabing nagpopondo sa grupo ng kanyang mga anak na sina Omar at Abdullah Maute.