Sikat na Pinoy cartoonist na si Malang Santos namatay na

Inquirer file photo

Namatay na ang sikat na Filipino artist na si Mauro “Malang” Santos sa edad na 89 kaninang umaga.

Ito ang kinumpirman ng kanyang anak na si Simon sa panayam ng Inquirer.

Ang nasabing award-winning cartoonist, illustrator at fine arts painter ay binawian ng buhay kaninang alas-singko ng umaga sa kanilang tahanan.

Si “Malang” ay isa sa mga kinikilalang icon pagdating sa local art scene sa bansa.

Siya ang lumikha sa karakter ni “Kosme” na unang nailimbag sa Manila Chronicles ay kinilala bilang kauna-unahang English-language daily comic strip sa Pilipinas.

Taong 1955 ng kanyang itayo ang “Bughouse” na siyang kauna-unahang art gallery sa bansa na nakatutok sa cartoons creation.

Kasama niya sa nasabing art gallery ang iba pang sikat na cartoonists na sina Liborio Gatbonton, Hugo Yonzon at Larry Alcala.

Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya kaugnay sa magiging funeral service para kay Malang.

Read more...