Mga kababaihan mula sa Marawi, naghain ng petisyon sa SC laban sa martial law

Christian Monsod (right), one of the framers of the 1987 Constitution with Paolo Santiago (left), executive director of the Ateneo Human Rights Center, and Marlon Manuel, national coordinator of the Alternative Law Groups. (Contributed photo)

Nanawagan na rin sa Korte Suprema ang apat na kababaihan mula sa Marawi City na ipawalang-bisa ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Ang mga petitioners ay sina Norkaya S. Mohamad, Sittie Nur Dyhanna S. Mohamad, Noraisah S. Sani, at Zahria P. Muti-Pandi.

Ito na ang ika-limang petisyon na inihain sa Supreme Court kaugnay ng martial law, at ikatlo na humihiling na ito ay ipawalang-bisa.

Sa naturang petisyon, pinangalanang respondents sina Defense Sec. Delfin Lorenzana na tumatayo rin bilang martial law administrator, Executive Sec. Salvador Medialdea, acting Interior Sec. Catalino Cuy, Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Eduardo Año, Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa, at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Idinulog ng mga petitioners sa Korte Suprema na ang report na ibinigay ng pangulo sa Kongreso ay hindi naglalaman ng sapat na basehan para patunayang hindi kayang resolbahin ng kapangyarihan ng pamahalaan ang sitwasyon sa Marawi City.

Ayon pa sa mga petitioners, kung hindi naman nabuwag ang gobyerno sa Marawi na tipong umabot na sa puntong tanging ang militar na lamang ang makakaresolba sa sitwasyon, hindi “warranted” ang martial law.

Dagdag pa ng mga petitioners, “bereft of substance” ang katwiran na may intensyon ang Maute Group na magtatag ng Islamic State sa Marawi, at tatanggalan ng mga ito ng kapangyarihan ang pangulo.

Read more...