Paliwanag ng pangulo, nagbago ang kaniyang isip dahil baka sa bakbakan, puro sa likod pa tamaan ng bala ang mga sundalo ng gobyerno at hindi sa harap kung kasama nila ang mga Moro fighters.
Agad namang nilinaw ng pangulo na hindi naman ito isyu ng kawalan ng tiwala.
Gayunman, sinabi ni Duterte, hindi lang talaga magiging akma sa sitwasyon kung ganoon ang magiging diskarte.
Aniya, masyado nang magiging marami kung sasabak pa ang Moro fighters sa bakbakan sa Marawi City.
Posible aniyang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan at sa halip na sa kalaban iputok ang baril ay baka ang mga sundalo at Moro pa ang magbarilan.
Una nang nag-alok si Moro National Liberation Front chief Nur Misuari na magpapadala siya ng 2,000 sundalo niya, ngunit tinanggihan ito ng pangulo.