Matataas na kalibre ng baril, mga bala at shabu, nakuha sa bahay ng dating Marawi City mayor

Matapos maaresto noong Miyerkules sa Misamis Oriental, sinalakay naman ng mga otoridad ang bahay ni dating Marawi City Mayor Fajad Salic sa Cagayan de Oro City.

Sari-saring matataas na kalibre ng armas at mga bala ang nakuha sa bahay ni Salic ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police, the Armed Forces of the Philippines at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kabilang sa mga nasabat ang
– apat na unit na M203 grenade
– isang M16 armalite rifle na mayroong magazine at dalawampu’t siyam na mga bala
– tatlong long magazine na mayroong mga bala para sa M16 armalite rifle
– isang pistol case
– tatlong canvass rifle case
– limang cellphones
– sampung na malalaking sachet ng hinihinalang shabu

Si Salic ay inaresto dahil sa umano ay pagbibigay nito ng pondo sa Maute terror group.

Sinampahan na si Salic ng kasong rebelyon.

 

 

Read more...