Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba

Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho at nabawasan din ang underemployment rate noong buwan ng Abril.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), batay sa resulta ng April 2017 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority ay bumaba sa 5.7 percent ang unemployment rate mula sa 6.1 percent noong April ng nakaraang taon.

Habang ang underemployment rate ay umabot sa pinakamababang antas sa loob ng mahigit sampung taon sa 16.1 percent noong Abril ng kasalukuyang taon.

Ang underemployment rate ay mas mababa ng 962,000 workers o 12.9 percent kumpara sa underemployed workers na naitala noong April 2016.

Ayon sa PSA, ang underemployed ay ang may trabahong tao na nais magkaroon ng dagdag oras sa kanilang kasalukuyang trabaho o magkaroon ng dagdag na trabaho o nais na magkaroon ng bagong trabaho na mayroong mas mahabang working hours.

Sa ilalim ng Philippine Development Plan 2017-2022 ng administrasyong Duterte, layon ng gobyerno na mabawasan o mapababa ang unemployment rate hanggang sa tatlong porsyento sa taong 2022.

 

 

Read more...