Biyahe ng Pasig ferry, sinuspinde dahil sa malakas na ulan

Pasig River Ferry | MMDA File Photo

Sinuspinde muna ang biyahe ng Pasig river ferry dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan sa maraming lugar sa Metro Manila.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority, wala munang biyahe ang Pasig ferry mula ala 1:45 ng hapon.

Nakararanas kasi ng zero visibility sa maraming bahagi ng Metro Manila dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Sinabi ng MMDA na muli silang mag-aanunsyo kung makakabiyahe pa muli ang ferry ngayong araw.

Sa abiso ng PAGASA, nakararanas ng thunderstorm ang Metro Manila at ilang bahagi ng Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas at Quezon.

 

 

 

Read more...