15 arestado sa pagnanakaw sa mga bahay sa Marawi City

Nahuli ng mga otoridad sa Marawi City ang labinglimang magnanakaw na sumasalisi sa mga bahay matapos ang isinasagawang clearing operations.

Unang naaresto Huwebes ng gabi ang 10 katao at ang 5 iba pa ay nadakip naman Biyernes ng umaga.

Nakilala ang lima sa mga suspek na sina Rommel Gementiza Serion,
Jesus Ello, Arthur francisco, Abdul Kabir Hadji Karim at Salimar Tomawis.

Sinabi ni Senior Supt. Marlon Tayaba, battalion commander ng Regional Public Safety Batallion ng PNP-ARMM, natimbog ang lima pang suspek sa war zone sa bayan sa Dansalan.

Nahuli ang mga suspek sa checkpoint na inilatag ng PNP.

Nakatakdang i-turn over ang mga nahuling magnanakaw sa tropa ng PNP CIDG para sa kaukulang imbestigasyon.

 

Read more...