Retail shops sa Resorts World Manila, target mabuksan sa weekend

Kuha ni Jay Dones

Plano ng Resorts World Manila na magbukas muli ang kanilang mga retails shops ngayong weekend.

Pero mananatiling sarado ang casino hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon ng otoridad sa pag-atake ng sinasabing casino addict na si Jessie Carlos na ikinamatay ng 38 katao.

Ayon kay Resorts World Manila chief operating officer Stephen Reilly, mayroon silang 114 retail outlets, mga sinehan at isang theater.

Wala pa aniya silang intensyon na muling buksan ang kanilang gaming facilities sa ngayon dahil pagpapakita ito ng insensitivity.

Dagdag ni Reilly, nire-review ng kanilang pamunuan ang security protocols kasunod ng pag-atake ni Carlos.

Inamin din nito na may kahinaan ang kasalukuyan nilang security set-up.

Una nang sinabi ng PAGCOR na dedesisyunan nila ang posibleng mga sanctions laban sa Resorts World Manila.

 

 

Read more...