Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 35 kilometers northeast ng Dumaguete, Negros Oriental.
Ang nasabing LPA at ITZC ay maghahatid ng malakas na pag-ulan sa buong Visayas at sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, Davao, at Zamboanga Peninsula.
Makararanas din ng hanggang katamtamang pag-ulan ang nalalabi pang bahagi ng Mindanao, Bicol Region, at southern part ng Quezon.
Samantala, dahil sa ITCZ at LPA, nagpalabas ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa lalawigan sa Mindanao.
Batay sa 6:00AM advisory ng PAGASA, itinaas ang yellow warning level sa Siargao Island; sa mga bayan ng Dinas, Tabina, Pitogo, Margosatubig at San Miguel sa Zamboanga Del Sur at sa bayan ng Siay sa Zamboanga Sibugay.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha ang nasabing mga lugar.