Ayon kay Lorenzana, ang dahilan kung bakit hindi nila maaring matanggap ang tulong ng NPA ay dahil terorista rin ang turing nila sa mga ito.
Bukod sa NPA, una na ring nag-alok ang mga grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ng tulong para magdagdag ng pwersa sa pamahalaan laban sa mga terorista sa Lanao del Sur.
Dagdag pa ni Lorenzana, kung pupunta sa kanila ang mga ito dala ang kanilang mga armas, pasusukuin lang nila ang mga ito tulad ng mga dati na nilang panawagan, dahil hindi naman maaring makialam ang mga rebelde sa sitwasyon.
Aniya pa, isa lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at isa rin lang ang Philippine National Police (PNP) ng bansa kaya hindi maari ang gusto ng NPA.
Maari lamang aniyang makialam ang mga ito oras na makapag-integrate na sila sa militar.