Mga kabataang apektado ng gulo sa Marawi, posibleng mag-aklas na rin laban sa gobyerno-UP professor

 

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga bagong henerasyon ng mga terorista resulta ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.

Ito ang pangamba ng professor Darwin Absari ng Institute of Islamic Studies ng University of the Philippines, na kasama sa grupong humihiling na maalis na ang martial law sa Mindanao.

Binanggit pa ni Absari na posibleng matulad sa mga kaganapan noong 1972 martial law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang mga pangyayari sa Mindanao kung saan lalong dumami ang mga rebelde sa rehiyon.

Ito’y matapos targetin noon ng militar ang mga Moro noon na naging dahilan upang lalong magrebelde ang mga ito.

Pangamba pa ng propesor, posibleng lalong dumami ang kalaban ng pamahalaan sa halip na mapahupa ang rebelyon sa Marawi City dahil sa martial law declaration ng pangulo.

Posible aniyang lalong magalit sa pamahalaan at sa mga sundalo ang mga kabataan na nauulila sa patuloy na kampanya ng mga sundalo laban sa mga rebelde at terorista sa rehiyon pagsapit ng panahon dagdag pa ni Absari.

Read more...