Posibleng ‘sanctions’ sa RWM, isasalang sa deliberasyon ng PAGCOR

 

Isasalang na sa deliberasyon ngayong araw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang magiging kahihinatnan ng kanilang imbestigasyon sa naganap na trahedya sa Resorts World Manila.

Ngayong araw nakatakdang ilabas ng PAGCOR ang kanilang posibleng ipapataw na ‘sanction’ sa RWM dahil sa pagkamatay ng 38 katao kabilang na ang nagsimula ng sunog sa naturang establisimiyento na si Jessie Carlos.

Bilang bahagi ng kanilang pagsisiyasat, nagsagawa ng walk-through ang mga opisyal ng PAGCOR sa crime scene at pinanood ang mga cctv video na kuha mula sa lugar at nakapanayam ang mga taong may nalalaman sa insidente.

Matapos ito, agad na bumuo ng findings ang ahensya na ipinrisinta nito sa Board noong nakaraang Miyerkules.

Mula dito aniya ay magrerekomenda ang ahensya ng mga susunod na hakbang upang matiyak na hindi na maling mauulit ang trahedya.

Ayon sa ahensya, tulad ng iba pang provisional licensees ng Entertainment City na may minimum na isang bilyong dolyar na investment, may karapatan rin ang RWM na dumaan sa masusing imbestigasyon at due process.

Read more...