Electronic channels ng BPI, bukas na ulit

 

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na maari nang ma-access ng kanilang mga kliyente ang kanilang mga electronic channels.

Ito ang pinakahuling update ng BPI, alas-9:00 ng gabi ng Huwebes, para sa kanilang mga customers na naperwisyo ng technical glitches sa kanilang sistema.

Kabilang anila dito ang kanilang mga ATMs, internet banking at mobile banking.

Dahil inaasahan anila ang pagdagsa ng mga transaksyon, posibleng maranasan ang traffic-related difficulties sa paggamit ng online at mobile channels.

Gayunman, tiniyak ng BPI na magbabalik rin sa normal ang sistema sa mga susunod na araw, kasabay ng muling paghingi ng paumanhin sa mga naperwisyo.

Read more...