230 sibilyan, pinatay ng IS sa Iraq ayon sa U-N

 

Nanindigan ang United Nations na mayroon silang sapat na ebidensya para patunayang nasa 230 na ang bilang ng mga pinatay ng Islamic State group na sibilyang nagtangkang lumisan sa Iraq.

Ayon kay UN human rights chief Zeid Ra’ad Al Hussein, noong May 26, 27 umano ang napatay sa kanilang pamamaril ng IS sa al-Shifa sa Mosul, kabilang na ang limang mga bata.

Nasa pagitan naman ng 30 hanggang 80 na sibilyan pa ang sibilyang nasawi sa airstrike noong May 31, habang 163 naman noong June 1.

Noong June 3 naman, umabot sa panibagong 41 na sibilyan ang pinatay ng teroristang grupo habang tumatakbo ang mga ito papunta sa mga sundalo ng Iraq.

Galit na kinondena ni Zeid ang ginawang ito ng IS lalo na’t pati ang mga bata na nais iligtas ang kanilang mga sarili ay pinagbabaril ng mga terorista.

Nanawagan naman si Zeid sa kowalisyon na lumalaban kontra IS na tiyaking nasusunod ang international humanitarian law sa kanilang mga ginagawang hakbang tulad ng airstrikes, upang maiwasan ang pagkasawi ng maraming sibilyan na wala namang kinalaman sa giyera.

Read more...