Ayon kay Western Cape local government spokesman James Brent Styan, nakumpirma ang ika-siyam na biktima nang matagpuan ang sunog nang katawan ng isang tatlong taong gulang na bata sa isang gusali.
Sa ngayon ay hirap na hirap na inaapula ng mga bumbero ang 26 na active fires, na pinalala pa ng “storm front.”
Bagaman ito ang nagdulot ng pagbabaha sa kalapit na Cape Town, pinalala naman nito ang sunog sa Knysna at Plettenberg Bay dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin.
Umabot na sa 10,000 ang mga residenteng inilikas upang masagip mula sa patuloy na kumakalat na sunog.
Nanatili namang sarado ang mga paaralan sa paligid ng mga nasusunog na lugar.
Tinawag na rin ng mga otoridad ang mga militar upang makatulong sa paglilikas ng mga residente.