Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at martial law implementor General Eduardo Año, kasama rin sa listahan ang ilang barangay officials.
Paliwanag ni Año, dawit sa rebelyon ang mga personaldiad na nasa arrest order dahil sa pagsuporta sa grupong Maute na ngayon ay pasimuno ng kaguluhan sa Marawi City.
Gayunman, tumanggi si Año na isapubliko ang pangalan ng mga nasa arrest order.
Matatandaang kamakailan lamang, naaresto na ng tropa ng pamahalaan sina Cayamora Maute, ang ama ng magkapatid na Abdullah at Omar Maute pati na si dating Marawi Mayor Fajad Salic dahil sa pagbibigay ng suporta sa local terrorist group.