Sa regular na kapihan sa Senado, muling iginiit ni Aquino na wala siyang anumang naging partisipasyon o kinalaman sa nagaganap na Marawi siege taliwas sa alegasyon ni Aguirre.
Ayon sa mambabatas, bagaman nauna nang humingi nang paumanhin si Aguirre sa senador kahapon ay pinag-aaralan niya na sampahan ng kaso ang kalihim.
Giit pa ng senador, kahit pa magpublic apology si Aguirre sa ginawang pagdawit sa kaniya sa Marawi siege ay tutuluyan niya ito ng kaso.
Magugunitang sinabi ni Aguirre na nagsabwatan sina Aquino, Sen. Antonio Trillanes, Cong. Gary Alejano, dating political adviser Ronald Llamas ang ilang mga lider ng Marawi City sa pagpaplano ng gulo sa lungsod.
Pero kalaunan ay binawi rin ito ng kalihim.