Good news! Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ng mahigit P1 kada kilowatt hour

Photo From Meralco

Magpapatupad ng mahigit pisong bawas kada kilowatt hour ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Sa abiso ng Meralco, P1.43 per kilowatt hour ang mababawas sa singil sa kuryente.

Kasama na rito ang average na P0.79 kada kilowatt hour na refund para sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

Dahil sa nasabing bawas sa singil, inaasahang aabot sa P286 ang mababawas sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour, P429 naman para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour, P572 sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour at P715 naman ang mababawas sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.

 

 

Read more...