WATCH: Bomb simulation exercise, isinagawa sa isang mall sa QC

Kuha ni Jomar Piquero

Isang bomb simulation exercise ang isinagawa sa Robinsons Mall sa Novaliches, Quezon City.

Inumpisahan ang pagsasanay alas 7:00 ng umaga kung saan, kabilang sa scenario ang pagkakatagpo kunwari ng bomba sa CR ng lalaki sa ikalawang palapag ng mall.

Matapos maitawag sa mga otoridad, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa mall at kinurdunan ang lugar kung saan natagpuan kunwari ang bomba.

Matapos ito ay inasistehan ang publiko para sa maayos na paglabas sa mall katuwang ang mga security guard.

Sunod namang dumating ang mga tauhan ng bomb squad ng QCPD at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Alber Borja, mall manager, nakipatulungan sila sa QCPD para sa nasabing pagsasanay upang dagdag kaalaman na din sa kanilang mga tauhan lalo na sa mga security guard sa pagtugon sa emergency situation.

 

Read more...