Ilang flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado na ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang flight M8 421 Manila to Siargao ng Skyjet.

Gayundin ang M8 422 Siargao to Manila.

Sa pinakahuling abiso ng PAGASA, kabilang ang Siargao sa nakararanas ngayon ng malakas na pag-ulan dahil sa umiiral na Low Pressure Area na nakapaloob sa ITCZ.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng biyahe o kaya ay refund ng kanilang pamasahe.

 

Read more...