LPA, namataan ng PAGASA sa Surigao City; Nagpapaulan sa Visayas at Mindanao

Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, ang LPA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ ay huling namataan sa 315 km east ng Surigao City.

Sinabi ng PAGASA na ang dalawang weather system ang naghahatid ng katamtaman at minsang malakas na buhos ng ulan sa mga rehiyon ng Caraga, northern Mindanao, Zamboanga peninsula, at sa mga lalawigan ng southern Leyte, Bohol, Siquijor, southern Cebu, southern Negros Oriental, southern Negros Occidental, at Lanao del Sur.

Ngayong maghapon inaasahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may kasamang thunderstorms sa iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa maraming lugar sa Mindanao dahil sa pag-ulan na dulot ng umiiral na ITCZ at LPA.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 9:20 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa mga bayan ng Malimono, San Francisco, Mainit, Tubod at Alegria sa Surigao Del Norte; Siargao Island, Dinagat Island, Surigao Del Sur; Cabadbaran, Butuan, Jabonga, at Kitcharao sa Agusan del Norte; Davao Oriental; Davao Occidental at Compostela Valley.

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mga low-lying areas sa nabanggit na mga lalawigan.

 

 

Read more...