Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Regional Military Spokesman Brigadier General Gilbert Gapay, logistics at financial support ang ibinigay na tulong ni Salic noon pang formative years ng magkapatid na Maute.
Ito aniya ang dahilan kung kaya sa ilalim ng martial law sa Mindanao, kasama sa arrest order si Salic at kakasuhan ito ng rebelyon.
Bukod kay Salic, tatlong iba pa na kasama nito sa sasakyan ang inaresto kagabi ng mga otoridad.
Gayunman, hindi pa matukoy ni Gapay ang pagkakakilanlan ng tatlong kasama ni Salic dahil sumasailalim pa sila sa booking process.
Pagtitiyak ni Gapay, isasalang sa inquest proceedings ang apat ngayong araw at sasampahan na ng kasong rebelyon.
Sinusuri na rin aniya ngayon ng PNP Misamis Oriental kung may iba pang kasong kinakaharap si Salic.