Lima arestado sa buy-bust operation sa QC

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang limang katao sa ginawang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD) station 7 sa Lazo Building na matatagpuan sa Annapolis Street, Brgy. E. Rodriquez, Cubao, Quezon City.

Target ng operasyon si John Glen Peñaranda, 27 anyos na nagpositibo sa ginawang buy-bust operation matapos makabili ang mga otoridad ng 500 pisong halaga ng shabu sa suspek.

Naaresto din ang kasamahan ni Peñaranda na si Alfred Ortuoste, habang naaktuhang gumagamit ng bawal na gamot sina Jonathan Espino, Jomel Tabuac
Maverick Tumaliuan.

Nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang 18 sachet ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, P250 na drug money at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Sr. Insp. Ramon Aquiatan, hepe ng DDEU ng QCPD station 7, mga adik na tricycle driver ang kadalasang parokyano ni Peñaranda.

 

 

Read more...