Nais ni US President Donald Trump na mamagitan sa away ng Qatar at mga Gulf states.
Tinawagan mismo ni Trump ang emir ng Qatar para sabihin ang kahadaan niyang mamagitan sa krisis.
Sa statement ng White House, kabilang sa inialok ni Trump ang pakikipagpulong sa mga sangkot na bansa.
Kinausap umano ni Trump si Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani para ihayag ang kahadaang tumulong.
Kinumpirma naman ng pamahalaan ng Qatar ang pahayag ng White House.
Kahapon lang, lumitaw ang mga balita na mistulang kinakampihan ni Trump ang Saudi Arabia hinggil sa naturang sigalot.
MOST READ
LATEST STORIES