Cayamora Maute, nasa Maynila na

Nakalapag na sa Maynila ang ama ng dalawang lider ng teroristang grupong Maute na si Cayamora Maute.

kinumpirma ni Davao City Police Office Chief SSupt. Alexander Tagum, na pasado alas-9 kagabi nang lumipad mula Davao City si Cayamora kasama ang mga tauhan ng Joint Task Force Davao.

Sa Villamor Air Base naman sa Pasay City lumapag ang C-130 plane na sinakyan ni Cayamora Maute.

Maliban sa nakatatandang Maute, kasama rin dumating ng Maynila ang pangalawa nyang asawa na si Kongan Balawag, anak na si Norjannah Balawag Maute at manugang na si Benzarali Tingao.

Hindi naman nagbigay ng detalye si SSupt. Tagum patungkol sa kung saan dadalhin si Cayamora, dahil itinuturing umano itong top secret bilang bahagi na rin ng seguridad ng nakatatandang Maute.

Read more...