Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danny Lim, napatunayang may magandang epekto ito sa daloy ng trapiko kaya patuloy pa rin ang pagpapatupad nito.
Gayundin aniya ang pagpapatupad naman ng mga light trucks sa EDSA.
Dahil dito, mananatiling bawal lumabas sa kalsada ang mga sasakyang “coding” o kaya iyong mga may plakang nagtatapos sa numerong nakatalagang ipagbawal sa mga kalsada sa partikular na araw, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
Samantala para naman sa mga light trucks, hindi sila maaring bumaybay sa EDSA sa mga oras na alas-6 hanggang alas-10 ng umaga, at alas-5 hanggang alas-10 ng gabi.
Inaasahang mas dadami ang mga motorista at mga pasahero sa lansangan ngayon lalo na’t nagsimula na muli ang pasukan sa mga paaralan.